05.27.08
25
matagal na din akong hindi ulit nakapag-blog. pagod na ako mag-try mag-Ingles, kaya mag-aattempt akong mag-tagalog naman. basta ayaw ko mag-isip muna ng words ngayon kahit pa kasalukuyan kong kinababaliwan ang word factory or boggle (tama ba spelling ko?) or skrib-age…or whatever it is na tawag dun.
malapit na ang june at sa kasamaang palad, bente-singko na ako. waaaaahhhh! hindi ko lubos maisip na dadating ako sa ganitong edad. naku, parang yun lang yung edad nung mga teachers ko noon dati, or nung mga tita ko na may mga asawa na ngayon, o kaya’y yung mga kasama namin sa bahay. mantakin nyo nga naman, dadating din pala ako sa ganitong edad.
ang feeling ko tuloy ngayon ay parang kelangan ko na magmukhang adult. weh. kasama dun yung magkaroon ng some sense of maturity daw. weh ulit. at mag-kilos na parang bente-singko. isa pang weh. anung ibig sabihin nun? dahil sa totoo lang, late bloomer nga ako di ba? kaya feeling ko hindi pa ako adult in the truest sense of the word, whatever that means ulit.
nasa gitna ako ng isang quarter life crisis. weh. ang drama naman. ako lang naman ang ma-drama dito eh. anu ba yan! anyway, nasa gitna nga ako ng isang quarter life crisis kung saan hinahanap ko ang gusto kong mangyari sa aking buhay sa mga susunod na taon. gusto ko pa bang gawin ang mga ginagawa ko ngayon? mahirap ata mawala sa isang mundo na nagbibigay ng security. ang pag-alis ay nangangahulugang panibagong buhay - fresh start kung baga. hindi ko alam kung handa ako para sa buhay sa labas ng aking mundo ngayon. weh. isa kang madramang tao ngayon, joclarisse! anu ba!
pero sabi nga nila, hindi mo malalaman kung kaya mo kung hindi ka lalabas. at syempre, sa totoo lang may mga gusto akong bagay na gawin na mukhang hindi ko ata magagawa sa aking mundo ngayon. baka naman pwedeng lumipat na lang ako sa mars or sa jupiter? ako lang ang tao dun. odabah!
nakakapagod minsan magpaka-galing. eh hindi naman ako ganun ka-galing. anu ba! sila lang nagsasabi nun. (weh. minsan wala nagsasabi. syempre, sa puntong ito ay fishing lang ako for compliments. eheheh). seseryosohin nyo ba ang isang taong katulad ko na ganito mag-isip ngayon?
feeling ko nasa limbo ako ngayon, hinahanap kung saan ako pwede pumwesto ng maganda para mas makuha yung optimum churvah - kung anu man yun na hinahanap ko. parang ang lost ko ngayon noh? oo talaga!
sa kasamaang palad, kung kelan pa ako magbe-bente-singko (at ngayo’y inaasahan nang isang ganap na adult) ay saka pa ako naging ganito ka-lost sa direksyon ng aking buhay. weh.
kapag maging permanent endings na, babalitaan ko kayo. hehehe.
isa lang ang sigurado ako ngayon. gusto ko YUMAMAN!!!!!! wahahahaha!. sa aking mga estudyante, wag ninyo akong gayahin.
ma-drama ka talaga, joclarisse! teka nga, sino ba kausap ko dito? sarili ko o kayo? tama na nga. sa susunod na lang.